Pages

Tuloy po kayo!!!

Halina't basahin, sulat na sariling akin... mula sa isip na malikhain...

Monday, July 18, 2011

Pangako ...Napako


“Ikaw Jaime, na ngangako ka ba na si Amor lamang ang iyong iibigin at itatanging karugtong ng buhay mula ngayon at kalian man? Opo Father. Tandang tanda ko ang mga katagang ito noong tayo’y ikinasal. At ito rin ang ipinangako ko sa’yo noong ako’y papaalis patungong Canada. Pero bakit ngayon ko pa naalala ang mga ito, sa tuwing kasama ko si Karla.
Si Karla ay isang Nurse sa isang hospital malapit sa pinagtatrabahuhan ko. Nakilala ko siya noong pagkatapos nating mag usap sa cellphone noong nakaraang Mayo. Diba’t tumawag ka para ipaalam sa akin ang kalagayan ng ating bunsong si Jhon-jhon na noon ay may sakit. Kailangan ng pera para maoperahan agad siya. Walang wala akong pera noong mga oras na iyon dahil ang sweldo ko ay kinuha ng agency na nag pasok sa akin dito. Kaya masamang-masama ang loob ko at wala akong magawa para tulungan ang anak natin. Kayat diko mapigilang mapaiyak habang nag lalakad patungong planta. At di ko sinasadyang makabangga sa pag lalakad si Karla. Mabilis na sorry ang sabi ko at patuloy ako sa pag lakad. Ngunit sumunod siya at nag tanong, are you from Philippines? yes sagot ko. Me too. By the way I’m Karla. Mukhang imiiyak ka ata? Pa birong patanong sa akin… at patuloy sa pagkausap sa akin.hanggang sa imbitahan niya akong umupo muna at makipag kwentuhan saglit. Dahil sabik daw siya makakita ng kababayan doon sa lugar na iyon. Doon ko naikwento ang kalagayan ng ating anak. Di ko naman nais na kaawaan niya ako, ay siya na mismo ang nakaramdam ng pag kaawa sa ating anak, kayat binigyan niya ako ng pera. Eto o, makatulong man lang ako sa kababayan ko. Ipadala mo agad para maipagamot ang anak mo.
Di ako nag aksya ng oras para ipadala iyon sa inyo, at lubos ang aking pasasalamat kay Karla. Nangako ako sa kanya na sa pag sweldo ko ay papalitan sa kanya. Ngunit tumanggi ito at sabi hayaan mo na. Bilang pag tanaw ng utang na loob sa kanya ay nag boluntaryo akong mag linis ng kanyang bahay. At doon unti-unting nahulog ang loob nya sa akin. Nakagiliwan ang pagiging palabiro ko. at pag aasikaso sa kanya sa bahay niya. Para sa akin ay pag tanaw lang ito ng utang na loob. Hanggang isang gabi tumawag siya sa akin at nag pasundo dahil di niya kayang mag drive dahil sa kalasingan. Pinuntahan ko siya at iniuwe sa bahay niya. Diko siya iniwan, pinalitan ng damit at pinunasan ng bimpo ang kanyang noo. Ng bigla niya akong hinalikan… at hanggang sa may mangyari sa aming dalawa. Alam ko alam nya ang nangyari noong gabing iyon. Dahil naulit pa ito ng maraming beses sa paglipas ng mga araw… sa bahay nya na ako pinatira para daw dina ako mag bayad ng renta at ipadala ko nalang sa aking pamilya. Pumayag na din ako para sa inyo rin naman ito, ang inisip ko.
Ngunit sa tuwing katabi ko si Karla, ang Kalembang ng kampana sa simbahan ang naririnig ko, at ang koro na umaawit ng ating paboritong kanta. At ang patuloy na tanong ng pari sa akin… “Ikaw Jaime, na ngangako kaba na si Amor lamang ang iyong iibigin at itatanging karugtong ng buhay mula ngayon at kalian man?” at bigla kong iniaalis ang aking bisig sa pag kaakap kay Karla….

No comments:

Post a Comment