Pages

Tuloy po kayo!!!

Halina't basahin, sulat na sariling akin... mula sa isip na malikhain...

Wednesday, November 10, 2010

BAGONG YUGTO NG AMING BUHAY























Saint Vincent Ferrer Parish
Mayapyap Sur, Cabanatuan City
October 16, 2010

Pag iisang dibdib...

ng

Dalawang pusong nagmamahalan
ng tapat...

mag sasama sa hirap at ginhawa
sa dusa at ligaya...

nangangakong iibigin at itatanging
karugtong ng buhay...

Thursday, September 30, 2010

Diploma


Sa iyong bisig ay nahihimlay, kasabay ang ugoy mo naririnig ko ang pintig ng puso mo. Di mo man sabihin kung gaano mo ako kamamal ay nararamdaman ko ito. Kahit di kagandahan ang iyong pag kanta ay patuloy ka paring umaawit para ako ay maaliw. Bagamat wala akong kaalaman noon ako ay sanggol pa, naririnig ko ang iyong pangarap sa akin. Nais mo akong pag aralin sa magandang paaralan. Ipagkaloob ang aking kagustuhan. Gusto mo pa nga na ako ay maging isang doctor. Bawat araw na lumipas pag uwe mo galing ng trabaho kahit pagod ka ay di mo ko nalilimutang kilikin at hagkan. Sabi mo pa, kahit gano kahirap ang trabaho mo at pagod ka, dika mawawalan ng oras para sa akin. Lagi kang nariyan sa aking tabi. Di mo ako pinapabayaan na dapuan ng lamok o langaw kapag ikaw ay nandyan. kapag ako ay may lagnat dika mapakali hanggat di ka nakakabili ng gamut na ipapainom sa akin.
Pero ngayon tatay, narito ka ang kamay mo nanlalambot, nais kong gawin ang lahat ng ginawa mo sa akin noong ako’y bata pa. alagaan, kwentuhan, at kantahan pero diko alam kung naririnig mo ako. Di ko alam kung nararamdaman mo pa ang hawak ko sa kamay mo. Pero alam mo naalala ko lahat ng mga ginawa mo sa akin noong bata ako… ung walang sawang pag unawa sa kakulitan ko. Pag punta mo sa iskwelahan ka pag may pulong ang mga magulang. Noong araw na ako ay tutulien … diba nag tatakbo pa ako noon, nung ako na ang susunod. Hinabol mo ako at kinausap, binigyang lakas ng loob. Tay, diko malilimutan noong tatlong araw kang di natulog, pumasok sa trabaho mo bilang security guard para may maibigay ka sa akin pang tuition. Ikaw mismo ang nag abot nun… tandang-tanda ko noon ng inaabot mo ito. Di nga ako makaharap sa iyo dahil di ko kayang makita ang itsura mo. Nanlalalim ang mga mata mo, halos payat kana at parang din a rin nakakain ng tama. Tay, diko sinayang ang pag hihirap nyo po para sa akin. Nagsumikap po ako para mag-aral ng mabuti. Tinupad ko ang pangarap mo para sa akin. Tay, sana naroon ka noong tinatanggap ko ang diploma ko. Makita mo ang anak mo nakapagtapos na rin ng medisina.Tay, kung maari ko lang dugtungan ang buhay mo ay gagawin ko. Pero alam ko proud na proud ka para sa akin… pero ang di mo po alam, na mas proud po ako sa iyo. Dahil kung di sa’yo wala lahat ng nakamtan ko. Alay ko sa iyo ang diplomang ito.

Thursday, August 19, 2010

Baguio City moments















Lingo ng umaga
pagkatapos mag simba
niluto ang pagkain
iginayak ang lalagyan
kumot na aming upuan
kasama ang laptop na
saksi sa tawanan.

Isang pagkakataon
di kayang tumbasan
ng anumang pera sa bayan
ang dulot na kagalakan
ng aming kainan...

Sa ilalim ng puno
sa ibabaw ng damong berde
sa halamang bakod
sa mga taong naglalakad sa kalye
ang walang sawang nakatingin sa amin.

Kumain ng piritong manok
na binalutan ng harina
na nilagyan ng kaunting pampalasa...
may malamig na tubig...
at syempre may coke din.

Di namin namalayan ang oras
dahil sa malamig na hangin
kahit tirik ang araw ay di pansin
patuloy ang kwentuhan
sa nag daang kapalaran...
at montik pa ngang mag kaiyakan..

Nag umpisa kaming mangarap
sa aming hinaharap
magkaroon ng saring pamilya
at mga anak...

''''''' sa ilang saglit
bumuhos ang ulan
ganito naman ang panahon sa baguio
bigla-biglang umuulan...
kami ay nag apurang umalis..
nag sisiksin sa isang maliit na payong...
eksenang diko pinalampas...
kodak momentssss uli...

Nakisilong kami sa isang lugar (little flower convent)
na ubod ng tahimik
maging ang yapag ng aming paa ay madidinig
salamat din sa kapeng ibinigay
upang ang lamig ay maparam...

Pag tila ng ulan
kami ay nag paalam
at bumalik sa aming tirahan...

Monday, May 17, 2010





si Ninang Librada joseph...
mas kilala sya sa pangalang Ka Rading o Nanay Rading

Friday, May 14, 2010

Gunita

Ginising mo ang diwa kong kaytagal na nahimlay
na ibinurol sa panahong tila dina masulyapan
pinipilit maalala ang bawat nakaraan
subalit tuluyang nag laho na sa karimlan.

Ilang tula pa ba ang aking lilikhain
para ituring na alagad ng sining
sa panahong ngayon na tila di pinapansin
dahil sa makabagong mga gawain.

Diko inaasahang ako'y mapansin
nais ko lamang ipahayag ang damdamin
doon ko ibubuhos laman ng isipan
na nakintal pa mula noong isilang.

Naalala ko pa ang aking unang likhang tula
noong elementarya'y sa kanya ako nagsimula
Dakilang Guro ang tawag ko sa kanya
sa pag kat sa unang baitang siya ay kumalinga.

Sumunod na kathay sa mahal ini-alay
dahil sa kanya iba ang naramdaman.
at tila di mapakali hanggat di maibigay
ang tulang kanyang pinag puyatan.

Maraming tula din ang sumunod na ginawa
hanggang malikha ang paboritong tula
tungkol sa tatay na di daw mapag kalinga
at pinamagatang SUMBAT NG ANAK.

Sa tulang ito ipinahayag
ang damdaming ng isang anak sa ama
na di raw maramdaman ang pag mamahal ng haligi ng dampa
bagkus ang parusa ang naaalala.

Nang maibigay ang tulang ito sa kanyang Ama
labis ang lungkot habang binabasa
at di mapigilang tumulo ang luha
dahil di matanggap ang sumbat ng anak nya.

Kaya't isang tula ang isinagot ng Ama nya
at isinalaysay ang nag daang buhay nila
mula ng mag sama sila ng kanyang asawa
at nag kasumpling ng lima.

Ipinahayag din nya kung paano siya mag kalinga,
mula pa noong sila'y maliliit pang bata
tinuruang lumakad, pati pagbasa at pagsulat
upang sa pagtanday umasenso silang lahat.

Kaya't sa dulo ng tula ay kanyang inilagay
Ngayon nyo sabihin kung ako ay tama
sa pag hihigpit na inyong nadama
ngayon nyo sabihin kung ako ay mali
sa pag aaruga sa inyong kandili.

Nais kong ibahagi ang talentong taglay
na pinag kaloob ng Poong may kapal
lalo na sa mga kabataang kinalimutan ang nakaraan
kaya sa aking blog ito inilagay.

1st automated election

Ito ang kauna-unahang pag kakataon ng ang Pilipinas ay nag karaon ng Automated Election. Marami sa atin ang nag tatanong noong una kung paano ba ang pag boto sa bagong proseso na ito. Iba't ibang kuro-kuro ang lumalabas ukol dito... may ilang nag sasabi na mas madali na daw ang pag boto daw bibilugan nalang ang hugis itlog sa tapat na kandidato na nais mong iboto. may nag sasabi naman na mas madali na daw ang dayaan sapagkat automated na o computerized. Bagamat noong una ay nag dadalawang-isip ako na bumoto dahil kailangan ko pang umuwe mag gastos ng pamasahe para bumoto lang. Pero naisip ko, ang pag boto ay isang paraan natin para ipahayag ang ating karapatan at ipahayag ang ating kalooban. Sa pag BOTO nag kakaroon tayo ng pag kakapantay-pantay, mayaman man o mahirap ay ISA lang ang pwedeng iboto. Alas otso ng umaga nag punta ko sa prisinto na aking pag bobotohan at iba sa aking inaasahan na sa ganong kaaga ay napakarami ng tao na nakapila. Nag simula na din ang aking naririnig ukol sa mga reklamo ng mga botante...nag uunahan sa pila o kaya'y nag sisingitan. Ninais ko kuhanan ng video ang ilang mga eksena noong ako'y nakapila... hangang sa pag pasok ko sa loob ng prinsinto na aking pag bobotohan. narito ang ilang pictures at videos na matuturing kong isang kayamanan. Ikaw ano ang maibabahagi mo? Kaisa ka sa kasaysayan... .


Friday, March 26, 2010

Commitment





One of my friend once told me that " Exercise is a lifetime commitment". and he is right. We usually thought that exercise is only for young people those in their midst of their lives but even old one needed exercise.

Nag jogging ako kasama ng aking mga kaybigan sa BSU o Benguet State University... To tell you honestly its very hard to wake up in the morning lalo na ang sarap matulog dito malamig... pero mas mahirap kung di ka makakasama , mamamatay ka sa kumakantyaw -kaya napilitan na din ako gumising... at siyempre maganda naman ang kinalabasan, we are all happy. we have bonding together.. kwentuhan habang nag lalakad.

At syempre di mawawala na may makasabay ng mag jogging na mga dalagang (hmmmp) sexy at maganda sa lugar na un.. and i think isa sa nag momotivate sa amin yun para kami gumising ng maaga at mag joging.. (*,*) (juwell,vincent, kuya raul dont lie hehehe).

Tara mga friends sama kayo sa jogging namin...

Tuesday, March 16, 2010

Sulyap sa Kahapon


Sa Gitna ng malawak na palayan
sa Lilim ng init na araw
pamilya namin doon ay matatagpuan
sama-samang gumagapas ng palay.

Sa gawing gilid ay may kumot na nakalagay
na nakabitin sa apat na pirasong kawayan
iyon ang nag sisilbing aming silungan
sa sandaling kami'y aahon upang mag kainan.

Nandoon nag aantay ang aming inang mahal
na nakaluto na ng aming pag sasaluhan
kasabay naman ang masarap na kwentuhan
na kadalasan ay may biruan.

Sa di kalayuan ay tricyle ay nag aantay
sa aming pag uwe tuwing kinahapunan.
animo'y isang kapamilyang sa ami'y nag aabang
kaya't binigyang ng sariling pangalan.(BADONG)

Sa aming pag uwi, bagamat pagod ang katawan
ay tila nawawala sa aming tawanan...
lalo na pag si tatay ang nanguna
siguradong lahat ay tatawa.

Kadalasang lubog na ang araw kapag nakarating sa bahay
muling mag aasikaso ang aming nanay
si tatay naman kagyat nililinisan ang aming sinakyan
upang di kumapit ang malagkit na putik.

Sa buong panahon ng anihan ng palay
pamilya namin ay di nawawala sa listahan.
isa sa pinakamaraming saklong na gagapasan
ganoon kasipag ang aming ama ng tahanan.

Kami ay namulat sa tunay na estado ng buhay,
luho sa isipan ay aming kinalimutan.
pag-aaral ang sa isipan namiy ikinintal
na tanging ipamamana ng aming magulang.

Monday, March 8, 2010

Family Day



Isa sa pinakamasayang tagpo sa isang Pamilya ay pag kain ng sama-sama. Ito marahil ang isa sa mga kinasasabikan ng bawat isa sa panahon natin ngayon.
Matagal na panahon na din na hindi kami nag kasama-sama lalo na sa hapag-kainan dahil sa aming mga hanap-buhay. Kaya't ng ako ay magkaroon ng pagkakataon na makapag bakasyon, pinilit kong mangyari ito.


Tinawagan ko ang aking mga kapatid tungkol sa pagkakaroon ng munting salo-salo sa aking pag uwe. Bago ako tuluyang umuwe sa aming tahanan, namili ako ng pagkaing aking ihahanda... nais kong maging espesyal ang aming salo-salo, kaya't bumili ako ng pang beef steak, kahit di naman talaga ako kumakain mula pa noong ako'y bata. Siyempre di mawawala ang paborito ng aking nanay na Hipon, at gaya ng isang salo-salo kailangan may dessert, kaya bumili ako ng fruit cocktail... at para mas malolong ma feel namin ang salo-salo bumili din ako ng table wine (pasosyal ang dating hehehe).

Nag dala din ng mga pagkain ang aking mga kapatid, sila kuya Marlon kasama ng kanyang asawa na si ate Cel, at anak na si Kim ay may dala na maraming tilapia, hito, porkchop, nilagang mani at maraming pang iba na diko na maalala... si ate Len naman, may dala siyang Ice Cream (PUNO).

At para maging kakaiba ang aming salo-salo dapat pati lamesa at mga gamit ay maganda din at dapat nakaayos. kaya't aking tinanong si Nanay sa mga gamit na nakatago nya. nilabas nya ang matagal na natagong mga malaking platong puti, pati mga magaganda kutsara at tinidor... gayun din ang mga mabasong malalaki.

Mag ala-sais palang ng hapon ay inumpisang ko ng ayusin ang aming pagkakainan. Nilatag ko ang mga lamesa sa teris namin. nilagyan ng puting tela, na may fresh na carnationg bulaklak. Isa-isa kong nilagay ang plato,kutsara,tinidor, baso,tasa. Nang maiayos na ang lahat ay sinimulan kong iluto ang mushroom soup. Animo'y isang restaurant ang aming kakainan ang kaibahan nga lang ay wala kaming waiter o waitress. kaya't di maiwasang mapag biruan na si nanay ang waitress.

Inumpisahan ang salo-salo sa papamagitan ng isang maikling dasal mula sa aming mahal na tatay. Masayang kumain lahat... kasabay ang mga kwentuhan, tawanan at biruan.Di malaman ng lahat kung ano ang uunahaing kainin sa sobrang dami ng aming pagkain. Tunay ngang napakasayang maranasang muli ang ganitong pagkakataon.

Habang nagkakainan, ay nag balik sa aking gunita ang ganitong pangyayari noong kami'y bata pa. Sabay-sabay kami kumain upang mag kasya ang aming ulam na isang saping tinapa kasama ang ilang pirasong kamatis. Maswerte na kami kapag nakatikim ng karne ng baboy o manok sa loob ng isang buwan. Mayroon pa ngang pag kakataon na sama-sama kaming kuma-kain sa gitna ng bukid... at ito'y madalas mangyari sa tuwing anihan. Dahil lahat kami ay kasama ni tatay upang gumapas ng palay...habang gumagapas kami ay nag luluto naman si nanay ng aming pag kain, sa silong na ginawa sa gilid ng pinitak. Bagama't bata pa kami sa ganitong trabaho ay nauunawaan namin ang aming kalagayan. Hindi kami nag reklamo kung mainit o makati ang palay sa balat, ang alam namin para sa aming pamilya ang ginagawa namin na ito. At siyempre di mawawala ang pangaral ni tatay... (paulit-ulit nya sinasabi kapag-kumakain)Aniya, Pag butihin ninyo ang inyong pag-aaral, wala tayong sariling bukid na ipapamana sa inyo. Ayaw kong makita kayo habang panahon na gumagapas ng palay... Noon gusto ko mag aral pero wala kami pampaaral, kaya't napilitan akong mag hinto. Ngayon mayroon akong sariling pamilya nais ko kayong mapagtapos lahat sakabila ng ating kahirapan.

Oopss iiyak na sila!!!! teka di nga pala ito drama....

Sige tuloy ko na kwento ko, tungkol sa masayang salo-salo. Mayroon nga pala kaming bisita ng gabing iyon. si Ninong Romy kapatid ni tatay. Nag tatanong siya kung bakit may ganun salo-salo , may ano daw ba? sabi namin wala lang, nais lang mag kasama-samang kumain.
Nang matapos ang kainan ay inumpisahan na din namin na iligpit ang mga ginamit namin. Sila kuya ay umuwe na din, at si ate. Lahat ay pawang masasaya at nag hiwa-hiwalay ng may ngiti sa mga labi...
Good night... (**,)

Tuesday, March 2, 2010

Paano nga kaya kung....


Naranasan mo na bang di makatulog sa gabi dahil iniisip mo ang iyong mga nakaraan. Nakaraang pinipilit mong limutin pero sa isipan ay nakakintal. Nag-sisisi ka sa mga nagawa, na kung maari ay gusto mong balikan at palitan ang iyong mga ginawa.

Paano nga kaya kung pwedeng mangyari ang iniisip ko, na balikan ang nakaraan at maaring baguhin. Paano ako mag sisimula? Paano kung may masaktan muli ako sa gagawin kong ito?
Paano ko masasabi na mahal na mahal ko pala sya... na diko pinahalagahan ang kanyang mga ginawa sa akin habang kasama ko pa sya.
Di ko nakita ang mga pag-aalala nya...
sa sandaling ako'y may karamdaman.................... andyan siya.
sa sandaling ako'y malungkot................................. andyan siya.
sa sandaling wala akong kasama............................. andyan siya.
sa sandaling halos mawalan ako ng pag-asa......... andyan siya.
lahat ng ito'y diko nakita habang ......................... andyan siya.

Subalit ng mawala siya....... hinahanap ko ang lahat.
Gusto ko siyang makasama muli, masuklian ang lahat ng mga ginawa nya sa akin.
Diko sasayangin ang sandali na siya ay paligayahin at mahalin.

Sana nga maaring ibalik ang nakaraan...
ikaw ano ang nais mong balikan?
ano ang nais mong gawin?
ano ang nais mong itama?