Pages
Tuloy po kayo!!!
Wednesday, December 9, 2009
Dapit-Hapon
wag mo sana akong iwanan
ikaw sana ang aking nasa kanan
hawak hawak ang nag lalambot na kamay.
Sa sandaling tinig ko ay bawiin na
at dina makabigkas ng anu mang salita
wag ka sanang mag tatampo
kung diko masabing mahal kita.
Gayun din kung ang pandinig ko ay lubusang mawala
ikaw na sana ang sa aki'y umunawa
di ko man madinig ang iyong tinig
batid ko sa tabi ko ikaw'y umaawit.
At kung mata ko ay di na makakita
wag ka sanang mag alala.
ito'y bunga lamang ng aking pagtanda
na sasapitin ng lahat ng likha.
At kung sumapit na malagot ang aking hininga
wag ka sanang sa akin ay maawa
Ako'y babalik kung saan nag mula
mag susulit sa aking ginawa sa lupa.
Saturday, September 12, 2009
Nanay
kilala mo ang aking buong pagkatao.
simula pa noong ako'y bata
alam mo kapag ako'y gutom
alam mo ako kapag may masakit sa katawan
alam mo kung ako'y masaya
alam mo kung ako'y may tampo
alam mo kung ako'y may nililihim sa iyo...
lagi kang nariyan sa sandali ng buhay ko.
Sinubay-bayan mo bawat yugto ng buhay ko.
kahit na ng sandaling mawalay ako sa piling mo.
tiwala moy ipanag kaloob mo
upang ako'y lumago.
'pagkat alam mong kayang-kaya ko ito.
Alam kong nandiyan ka sa sandali ng kagipitan
di mo ako iiwan maging kapalit ay buhay
simula pa noong akoy isilang
hanggang ngayon may sapat ng gulang.
Nanay ang tawag ko sa iyo,
at nais mong lagi ko itong binibigas
natutuwa ka kapag sa tabi mo ako'y nakayakap
kinukwento ang aking mga pangarap...
Nanay ka nga, sa isip, salita at sa gawa.
Sunday, September 6, 2009
SULAT NI TATAY SA KANYANG MGA ANAK
and i'll tell you when the first time I read this I cant stop crying...
Akin ko pang gunitain mga araw na lumipas
Na kaytagal na panahon akala ko’y walang kupas
Katulad ko’y punong mangga na kay lago sa umpisa
Ngunit araw ay darating dahon pala’y malalanta.
Batang-bata pa noon, nuong ako’y mag asawa
Sa edad kong labing-siyam nagsama na kami ni Gloria
Lima ang supling naming ipinagkaloob ng Diyos ama
Pawa silang masasaya at malulusog ng bata pa.
Ako rin ang nagturo at umakay sa paglakad
Tuwing umagay ginagawa ng matuto at mamulat
Ako rin ang nagtiyaga kung paano ang pag-sulat
Ang pag-basa ng ABAKADA sa akin pa rin nagsimula.
Wala akong pinangarap sa mahal kong mga anak
Kung di ang pag-unlad umasenso silang lahat
Kaya’t sa pag aaral lagi ko silang tinutulak
Upang karunungan sa kanila malagak.
Lumipas ang ilang taon meron na ngang nakatapos
Sa high school na pinangarap sila ay nataguyod
Ang saya sa aking mukha ay di makaila
Lalo na noong tanggapin pa Diplomang tinamasa.
Dala ng kahirapan kolehiyo ay sagabal
Sa Edukasyong mataas ito ay kailangan
Maraming salamat sa isang kaybigan
Anak kong may pangarap siya ay makapag-aral.
Tandang-tanda ko pa lumipas na taon
Tatlo sa anak ko’y lumayo ng gayon
Panganay ay nagasawa, sumunod ay nangibangbansa
At ang isa nama’y nagpapakadalubhasa.
Lungkot sa puso ko aking ikinubli
Ayoko Makita ang pagdadalamhati
Ayokong mawalay isa man sa kanila
Ngunit tadhana na ang siyang nag papasya.
Ngayon dumating na ang sumbat sa akin
Ng sila’y bata pa’t aking papaluin
Malupit daw ako sa puso tumanim
Ang puot sa akin tila nag niningning
Pati nag daan ko kanilang inungkat
Lupit ng magulang akin nga dinanas
Sa palad ni Ina ako nga’y tumanggap
Lalong higit naman sa amain kong ganap.
Kasalanan ko ban a ko’y maghigpit
Murang isipan nila’y aking tinu-tuwid
Kasalanan ko ba kung ako’y manakit
Sa murang balat na sobrang nipis.
Kasalanan ko ba ang sobrang mag mahal
Sa mga anak ko na tangi kong yaman
Ako’y nalulungkot na pagdating ng araw
Baka mga anak ko’y kalaban ng lipunan.
Ngayon nyo sabihin kung ako ay tama
Sa pag hihigpit na inyong nadama
Ngayon nyo sabihin kung ako ay mali
Sa pag-aaruga sa inyong kandili.
Tatay,
Pepito (Peng) Ordonez
SUMBAT NG ANAK
i remember my old composition about me and my father..
i don't expect that anyone have the patience to read this because it so long...
but ill tell you, you will know me more once you read this..
Sa tuwing nag iisa aking naaalala
Ang mga pangyayari sa piling ni Ama
Puro sakit ng kalooban ang laging nangunguna
At di matanggap ang pag didisiplina.
Tandang-tanda ko pa noong ako’y tatlong taon
Bagyang pagkakamali’y kapalit ay sinturon
O di kaya’y kawayang malutong
Pag di kami tumigil sa pag hagulgol.
Sa mura kong gulang ay natanim sa ‘king isipan
Ang sakit at galit na aking naranasan,
Poot sa aking pusoy nag uumapaw
Ngunit walang magawa pagkat kami’y anak lang.
Sa bawat pagtaas ng kanyang latigong kamay
Siguradong sa aking katawan ito’y lalatay
Di nya alintana kung saan tatamaan
Basta’t masunod lang ang kanyang kagustuhan.
Di kaya nya naisip na ako’y musmos lang
Na sumusuko rin ang munting katawan
Sa bawat sandaling sa puwet ay dumatal
Ang nag-aapoy sag alit aniya’y disiplina raw.
Minsan pa nga’y sumagi sa aking gunita
Na di tutularan ang kanyag ginawa,
Sa tindi ng galit halos ay maisumpa
Buti nalang nariyan ang lumikha.
Bakit kaya ganun siyang mag-parusa?
Ito’y bunga kaya ng kanyang pag-aalala
Na baka isang araw magaya sa iba
Na tumanda ng di alam ang mabuti at tama.
Marahil din kaya’y sa kanyang karanasan
Kung kaya’t sa pag didisiplina siya ay ganyan
Siya’y lumaki sa piling ng pangalawang magulang
Na di nasumpungan ang pag didisipina ng tunay na tatay.
Ngunit bakit ganun ang galit niya’y sa’min ibinunton
Kasalanan ba naming mangyari sa kanya ‘yon
Di ba’t kami’y bunga lamang ng kanyang kahapon
Na sya ang gumagawa ng bukas at ngayon.
Ako kaya’y kanyang niyakap noong ako’y bata
Bakit hinahanap ngayong tumanda,
Uhaw sa pag mamahal at pag aaruga
Ang aking namulatan sa haligi ng dampa.
Di ko rin maalala kung ako’y hinagkan nya
Kung binabantayan, lalo’t kung may sakit pa
O di kaya’y pag dulog sa pulong doon sa iskwela
Kaya kung minsan ako’y naiinggit sa iba.
Masakit man saabihin ngunit ang katotohanan
Ako’y lumaki ng poot ang namulatan
Poot na nagsisilbing bahagi ng buhay
Pilit ko mang alisin ngunit sa isipa’y nakintal.
Tatay mahal mo ba ako? Ang laging tanong ko
Tanong na laging sa isipa’y naglalaro
Dahil sa sandaling kami’y iyong pinapalo
Disiplina’y di totoo, pag mamahal ay nag lalaho.
Friday, August 21, 2009
Agosto-Buwan ng Wika
Noon, sa aming paaralan pag ganitong buwan
ang aking pangalan ay di nawawala sa listahan
lagi akong kasama na lumalaban
sa mga talumpati o kaya'y tulaan.
Di ko pinababayaang ako ay maunahan.
siguradong pag katapos ako ay may medal
na aking pinag mamalaki sa aking magulang
kalakip naman nito'y masarap na kainan.
Tandang-tanda ko noon ang unang ko pag akyat
sa stage na aking pinapangarap.
palakpakang malakas ang biglangbumungad
kaya naman ang takot ay nawala kaagad...
Nag akoy bumigkas tumahimik silang lahat
animo'y nakikinig ng anghel mula sa ulap
walang kumikilos pawang silang naka tunggak
at namamangha sa aking pag kumpas...
Kaysarap balikan ang mga nakaraan
na nag papangiti sa sandali ng kalungkutan
ito ay aking binabalik-balikan
nag papaalala sa aking pinag-mulan.
Wednesday, August 19, 2009
Butiki nag-away, lamok di nag patulog
sa patuloy kong panganga musta sa sa pamamagitan ng text
ninais ko na sya ang mag kwento kung anu ba ang buhay nya
at ako ay nagulat sa kwento nya:, ito ang sabi ng kanyang text
"kwento ko sayo, yung butiki dito sa ding-ding ay nag away,
yung lamok pinalabas ko
para makatulog kami,
nagising ako dito pa rin sa loob."
ako ay nag dadalawang isip kung ito ay literal na kwento o idinaan lang sa
isang talinghaga...
ang blog kong ito ay open sa nais mag komento ulol sa TEXT na ito ng aking kaybigan.
maraming salamat.
Tuesday, July 28, 2009
Paalam
PAALAM, paalam sa kakabyak ng puso.
PAALAM, paalam sa magulang.
PAALAM, paalam sa mga kaybigan.
PAALAM, paalam sa mga kapatid
PAALAM, Paalam sa mga Ka-opisina
PAALAM, paalam sa mga kamag-aral
PAALAM, paalam sa mga taong nakasalamuha.
PAALAM, paalam , paalam
Sunday, July 19, 2009
You changed my Life
Saturday, May 23, 2009
3 Kings ( Three friends) the returns
Tuesday, May 12, 2009
Life in the Parish
Buhay PAROKYA
(By: Fr.Julius L. Belen)
Thursday, April 23, 2009
JOY RIDE- sakay na (one way ticket lang 'to)
Lahat ng tao ay binigyan ng pagkakataon upang maglakbay sa mundong ito. Bagamat iba’t-ibang klase ang sasakyang itinalaga sa atin dipende sa ating kakayahan, at ibat-ibang ruta ang ating daraanan ay iisa pa rin ang ating patutunguhan.
May mga taong binigyan ng pangdagat na sasakyan upang gamitin nila sa paglalakbay, mayroon din namang pang himpapawid at sa pang lupa. Ngunit ano mang uri ang mga sasakyang ito, ay dumarating sa puntong bumabagal ang takbo dahil sa balakid sa mga daraanan—ang hagupit ng malakas na alon, ang matalim na kidlat at ang baku-bakong daan. May mga manlalakbay na sumusuko kapag naranasan ang mga ganitong sitwasyon, na tila bagang hindi na matatapos ang mga pagsubok na ito kaya’t nahihinto sa pag lalakbay, na sa halip mag patuloy ay nawawalan ng pag-asa. Mayroon din namang mga nagtatagumpay sa mga balakid na ito. Dahil na rin sa paghingi ng tulong mismo sa nagkaloob ng paglalakbay na ito. Mababakas sa mukha nila ang pag-asa at tapang upang ipagpatuloy ang paglalakbay.
May mga tao ring nag aapura sa kanilang paglalakbay at nais nilang makarating sa kanilang destinasyon kaya’t lahat ng paraan ay gagawin upang mapabilis ang kanilang sasakyan. Sapagkat sa kanilang pagkakaunawa ay parang karera ang paglalakbay na ito. Hindi nila nauunawaan na habang mabagal ang pag-usad ay mas higit mong makikita ang ganda ng paligid ng iyong dinaraanan. Kaya nga’t minsa’y may mga manlalakbay na bumababa pa sa kanilang sasakyan upang makitang maigi ang ganda ng paligid at nakikipag daup-palad sa mga taong nakakasalamuha at nagiging kaibigan pa. Di ba’t lahat ng paglalakbay lalo na’t malayo ay may “STOP-OVER” kung saan ang lahat ng mga manlalakbay ay nagpapahinga, kumakain at nakikipag kwentuhan sa kapwa manlalakbay. Dumarating sa puntong napagbabahaginan ang karanasan sa paglalakbay. Kay sarap pakinggan ang mga taong maraming naibabahagi ukol sa kanilang pinag daanan. Bagamat mahirap ang rutang tinahak ay kanila itong nalampasan at pati bawat liko ng kalsada ay bilang at maging pangalan nito.
One way ticket eka nga ang paglalakbay nating ito kaya’t H’wag nating palampasin ang pagkakataong damhin ang ganda ng mga paligid na ating dinaraanan. Ang mga taong ating nakakasama sa ating biyahe na nagpapatatag at nagbibigay kulay sa ating paglalakbay na kung minsan masakit man sa ating kalooban na sila ay ating lisanin ay kinakailangan nating gawin dahil bawat daan ay dumarating sa sugpungan (crossing) na kailangang mag hiwalay upang masunod ang rutang ipinagkaloob sa atin. Ngunit hindi ibig-sabihin hindi na natin sila makikitang muli dahil ang bawat daan bagama’t nag-kakahiwalay ay mag kakarugtong pa rin at iisa ang patutunguhan… ang AMA.
Sunday, April 19, 2009
PRBC-Staff house(La Trinidad)
Any way, i looked it in a positive side... what if she is my guardian angel, testing me or she comes in my dreams just to say "I'm always here for you"... ('',)