Pages

Tuloy po kayo!!!

Halina't basahin, sulat na sariling akin... mula sa isip na malikhain...

Friday, July 29, 2011

Si Nanay- assignment ng grade 3 pupil sa MRMES


Naalala ko tuwing umaga, ginigising niya ako para pumasok sa paaralan. Iginagayak ang aking pampaligo at bihisan. pagkatapos ay ipaghahain ng pagkain , habang sinusuklay nya ang manipis kong buhok. Inihahatid sa tarangkahan ng aming bahay.

Habang ako'y nasa paralan at nag aaral, doon naman nag sisimulang maglinis ng aming bahay si nanay. Nilalaban ang aming damit. Bago mag tanghalian ay muli siyang nag luluto ng pagkain namin. Muli niya akong pinag hahain at kinakamusta ang aking pag aaral. Hindi siya umaalis sa aking tabi hanggat hindi ako tapos kumain. may malamig na tubig sa tabi ng aking plato.

Pagkatapos naming kumain, ay inihahanda niya ang mga retaso na gagawing doormat at potholder. iyon kasi ang aming kinabubuhay simula ng sumakabilang buhay si tatay. Dinideliver niya kay aling Nena ang mga natatapos nyang doormat at potholder.

Tuwing gabi matapos ang aming hapunan, ay pinupunasan niya ako mula ulo hangang paa. malikot kasi ako, kaya madalas madumi sa katawan dahil sa kakalaro tuwing hapon. Medyo lampa ako kaya madalas nadadapa. nahihiya nga ako kay nanay kapag lilinisan niya ako, kasi pati dun..xxxx....pinupunasan nya. Okey lang sa kanya yun basta malinis ang aking katawan.

Bago kami matulog, Tinuturuan niya akong mag dasal. Naririning ko nga sa dasal nya na puro sa kabutihan ko ang sinasambit.

Nais kong pasalamat ang aking Nanay sa lahat ng kabutihan nyang ginagawa para sa akin mula pag gising sa umaga hangang sa pagtulog sa gabi. Si Nanay ang aking SUPER HERO. Si Nanay ang aking IDOL.
Mahal na mahal ko si nanay. Salamat sa iyo NANAY.
bow.....

Thursday, July 21, 2011

DUBAI


Ako si Erika isang OFW at ito ang kwento ng buhay ko.

Maswerte ako at ilang araw palang makaraan ang aming graduation ay nakahanap na ako ng trabaho. Take note, sa Dubai. Cashier sa isang malaking Mall doon. Madalian ang pag ka ayos ng aking papers, magaling ang agency na pinag applyan ko. Pati passport ko ay sila ang nag asikaso ng mga kailangan. Yun nga lang malaki ang gastos. Pero sabi nila mababawi naman daw agad dahil malaki ang sweldo ko doon. Tama nga sila halos ilang buwan palang ay nabawi ko na ang mga nagastos ko. Kasama na dyan ang matinding pag titipid ko. Sa halip na kumain ako sa food court ng mall ay nag babaon ako ng pagkain ko, na niluluto ko tuwing umaga. At kadalasa’y pang maghapon ko na pagkain iyon.

Sa mall din iyon nakilala ko ang aking naging asawa si Jomar. Isa rin siyang OFW sa dubai. Engineer siya. Madalas noong mamili ng gamit sa mall kung saan ako nag tatrabaho. Bagamat pang ladies section kung saan ako naka duty ay doon siya gumagawi sa tuwing mag babayad na siya. Kaya pala iba ang pakay. Gustong manligaw. Minsan nga akala ko mag babayad siya, nang biglang inabot ang isang bouquet ng bulaklak. Nagtinginan ang mga kasamahan kong mga Filipino at sabi ang sweet naman.
Naging mag boy friend at girlfriend kami doon. Madalas kaming lumalabas para manood ng sine o kaya ay namamasyal. Hanggang sa mag propose siya sa akin ng kasal. Noong una, ay di ako makapaniwala, dahil inisip ko dito pa sa ibayong dagat makikilala ang aking mapapangasawa. Pero na pa OO na din ako. Sino ba naman ang di mapapa OO sa kanya. Naalala ko pa ang mga sandaling iyon. Dinala nya ako sa construction area na pinag tatrabahuhan nya. At sa harap ng mataas na building na hindi pa tapos ay pinatingnan maigi sa akin. Pero sabiko anu titinggnan ko jan, e di pa nga tapos. Mag antay ka lang. may tinawagan siya. At habang nakatingin ako ay bumaba ang malapad na puting tarpaulin na may nakasulat na “Will you Marry me?” o diba kayo kaya ano masasagot nyo. Akala ko sa pelikula lang nangyayari yon, hindi pala.

Nang mag karoon ako ng bakasyon ay sabay kami umuwe ni Jomar. At sa dito kami sa Pilipipnas kanisal. At noon din ay napag pasyahan ni Jomar na dito nalang siya mag tatrabaho. May kaunting ipon naman ako Erika ipag sisimula ko ito ng negosyo. Pumayag naman ako sa dasisyon nya. At ako nalang ang bumalik ng Dubai. Ilang buwan ang lumipas ay nag dalang tao na din ako. Kaya’t pinauwe na din ako ng aking employer na may pangakong pagkapanganak mo nalang saka ka bumalik. Ganon nga ang ginawa ko umuwe ako ng Pilipinas at doon ko sinilang ang aming panganay. Mag kasama rin kami ni Jomar na pinalalago ang computer shop na kanyang itinayo. Mula sa sampung unit ay halos naging triple ito. Pero katulad din ng ibang negosyo gaano man kasipag ang gawin mo ay darating sa puntong mahina ang kita. Kaya noong pwede na iwanan ang aming anak ay bumalik muli ako sa dubai. Naging maayos ang kita ko doon, patuloy kong pinadadalan ang aking mag ama. Gaya ng dati kaunting sakripisyo para makaipon. Halos mag dadalawang taon na ako sa dubai ng biglang may nag text sa akin mula sa Pilipinas isang concern citizen daw siya. Ikinwento niya ang ginagawa ng aking asawa. Madalas daw ay lasing siya. Maraming barkada ang nag pupunta sa bahay. Minsan pa nga daw ay may mga babae pa, na makikita nalang na lumalabas sa pinto ng aming bahay kapag maga na. Nag alala ako sa text na iyon kaya dagli akong tumawag sa aking asawa upang kamustahin siya. Na wari’y walang alam sa nangyayari. Kinamusta ko din ang aming anak. Mabuti naman tumawag ka, akala ko text nalang ang mababasa ko, na sasabihing nag padala ka ng pera. Di ko nagustuhan ang tono ng kanyang pananalita, kaya nag taas ako ng boses at nagalit. At dire-diretso na ang aking pananalita. Akala mo ba diko alam ang mga ginagawa mo dyan? Alam mo kung gaano kahirap mag trabaho dito sa ibang bansa. Isinasakripisyo ko na di makasama ang ating anak para sa kinabukasan ng ating pamilya. Tapos ano gagawin mo dyan. Mag-i-inom, nag babarkada, nangba-babae? Di mo naiisip andito yung asawa mo nangungulila, tapos ikaw nag papakasaya ka dyan. O bakit sino ba me gusto na bumalik ka dyan. diba IKAW? Sinabi ko naman sa iyo noon, na dito nalang tayo, sama-sama tapos ikaw tong mapilit sa lecheng Dubai na yan. Dika makuntento kung ano ang meron tayo. Mataas masyado ang pangarap mo. Akala mo ba ikaw lang nahihirapan? Noong umalis ka, sino ba nag alaga ng anak mo? Diba ako… yung gawain ng isang Ina, pinagawa mo sa akin. Tapos sasabihin mong nahihirapan ka…

Di ko na nakaya pang pakinggan ang kanyang mga sinasabi sa sama ng loob, kaya binaba ko nalang ang telepono. At umiyak ng umiyak. Iyon ang unang pagkakataon na pinag taasan nya ako ng boses. Di ko din inakalang masasabi nya sa akin iyon. Hindi kasi ganun ang pagkakakilala ko sa kanya.
Gayun pa man, di pa din nawala ang pag respeto at pagmamahal ko sa kanya. Tinapos ko nalang ang kontrata ko , at umuwe sa Pilipinas. Inayos naming mag asawa ang mga problema. At nag simulang muli kasama ng aming mga anak… At doon ko napatunyang hindi masusukat ng kayamanan ang tagumpay ng isang pamilya. bagkus, sa tatag ng bawat miyembro ng pamilya sa pag harap sa hapon ng buhay ng sama-sama.

Monday, July 18, 2011

Pangako ...Napako


“Ikaw Jaime, na ngangako ka ba na si Amor lamang ang iyong iibigin at itatanging karugtong ng buhay mula ngayon at kalian man? Opo Father. Tandang tanda ko ang mga katagang ito noong tayo’y ikinasal. At ito rin ang ipinangako ko sa’yo noong ako’y papaalis patungong Canada. Pero bakit ngayon ko pa naalala ang mga ito, sa tuwing kasama ko si Karla.
Si Karla ay isang Nurse sa isang hospital malapit sa pinagtatrabahuhan ko. Nakilala ko siya noong pagkatapos nating mag usap sa cellphone noong nakaraang Mayo. Diba’t tumawag ka para ipaalam sa akin ang kalagayan ng ating bunsong si Jhon-jhon na noon ay may sakit. Kailangan ng pera para maoperahan agad siya. Walang wala akong pera noong mga oras na iyon dahil ang sweldo ko ay kinuha ng agency na nag pasok sa akin dito. Kaya masamang-masama ang loob ko at wala akong magawa para tulungan ang anak natin. Kayat diko mapigilang mapaiyak habang nag lalakad patungong planta. At di ko sinasadyang makabangga sa pag lalakad si Karla. Mabilis na sorry ang sabi ko at patuloy ako sa pag lakad. Ngunit sumunod siya at nag tanong, are you from Philippines? yes sagot ko. Me too. By the way I’m Karla. Mukhang imiiyak ka ata? Pa birong patanong sa akin… at patuloy sa pagkausap sa akin.hanggang sa imbitahan niya akong umupo muna at makipag kwentuhan saglit. Dahil sabik daw siya makakita ng kababayan doon sa lugar na iyon. Doon ko naikwento ang kalagayan ng ating anak. Di ko naman nais na kaawaan niya ako, ay siya na mismo ang nakaramdam ng pag kaawa sa ating anak, kayat binigyan niya ako ng pera. Eto o, makatulong man lang ako sa kababayan ko. Ipadala mo agad para maipagamot ang anak mo.
Di ako nag aksya ng oras para ipadala iyon sa inyo, at lubos ang aking pasasalamat kay Karla. Nangako ako sa kanya na sa pag sweldo ko ay papalitan sa kanya. Ngunit tumanggi ito at sabi hayaan mo na. Bilang pag tanaw ng utang na loob sa kanya ay nag boluntaryo akong mag linis ng kanyang bahay. At doon unti-unting nahulog ang loob nya sa akin. Nakagiliwan ang pagiging palabiro ko. at pag aasikaso sa kanya sa bahay niya. Para sa akin ay pag tanaw lang ito ng utang na loob. Hanggang isang gabi tumawag siya sa akin at nag pasundo dahil di niya kayang mag drive dahil sa kalasingan. Pinuntahan ko siya at iniuwe sa bahay niya. Diko siya iniwan, pinalitan ng damit at pinunasan ng bimpo ang kanyang noo. Ng bigla niya akong hinalikan… at hanggang sa may mangyari sa aming dalawa. Alam ko alam nya ang nangyari noong gabing iyon. Dahil naulit pa ito ng maraming beses sa paglipas ng mga araw… sa bahay nya na ako pinatira para daw dina ako mag bayad ng renta at ipadala ko nalang sa aking pamilya. Pumayag na din ako para sa inyo rin naman ito, ang inisip ko.
Ngunit sa tuwing katabi ko si Karla, ang Kalembang ng kampana sa simbahan ang naririnig ko, at ang koro na umaawit ng ating paboritong kanta. At ang patuloy na tanong ng pari sa akin… “Ikaw Jaime, na ngangako kaba na si Amor lamang ang iyong iibigin at itatanging karugtong ng buhay mula ngayon at kalian man?” at bigla kong iniaalis ang aking bisig sa pag kaakap kay Karla….

Saturday, July 16, 2011

Liham

July 17, 2011

Mahal,

Mahal pasensya kana kung madalas nagiging matampuhin ako, dala lang marahil ito ng aking pangungulila sa inyo ng ating anak. Alam mo bang sa sandaling matapos ang ating usapan sa telepono ay parang nawawala na din ang kabyak ng aking puso, na tila nahihirapan sa pag tibok.
Noong isang gabi nga diko namalayan na naidlip pala ako sa aking kinauupuan, habang naka tingin sa butiin, nangangarap ng ilang panahon nalang ay makakasama ko na kayo ni baby. Halos ilang buwan palamang na iwanan ko siya, kaya marahil pag uwe ko hindi nya ako kilala. Siguro sa boses lang niya ko kilala pero sa itsura ko ay hindi.
Ilang taon din ang aking bubunuin dito bago matapos ang aking kontrata, halos mag dadalawang taon palang ay nais ko ng umuwe para makasama kayong mag-ina. Sabik na sabik akong muli kong makilik si baby. Awitan habang pinatutulog. Tinitiis ang matinis na iyak, at patuloy sa pag hele para makatulog ng mahimbing. At sa sandaling mapatulog sa aking bisig ay napapayapa ang aking kalooban. Na wari’y nasa isang sulok ng langit at nag papahinga, at dagli din napapawi ang aking pagod sa mag hapong pag babanat ng buto.
Alam mo ba, habang nag tatrabaho ako ikaw at si baby ang nasaiisip ko. Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa inyo kahit mahirap. Alam ko naman na maliit lang din ang kita ko dito pero pinagtityagaan ko kaysa dyan sa atin na wala ako trabaho. Noong isang lingo nga diko namalayan na mainit pala ang bakal na kukunin ko, di ako nakapag lagay ng gwantes kaya napaso ako, buti nalang agad ko nabitiwan at di gaanong nasunog ang kamay ko. hanggang ngayon ay masakit pa din, pero kailangang pumasok dahil kung hindi baka mapagalitan ako.
Mahal nga pala, meron akong nakilalang kababayan dito malapit sa pinag tatrabahuhan ko. Balak nya ako pautangin para pambili ng computer para makausap ko kayo at makita sa internet. Excited na nga ako, sa susunod na sahod daw nya ibibigay ung pera. Diba me internet shop dyan malapit sa atin. Pag me time ako mag te-text ako sa iyo para mag chat tayo. Mas mura dun kesa tawag-tawag sa cellphone at isa pa, makikita ko kayo, dahil may video call dun. Pwede dun sa yahoomessenger o kaya sa skype. Diba meron ka naman account dun. Kung di mo na maalala ang password mo o ung user ID mo, sige igagawa nalang kita ng bago. Kayang kayak o yun.
Diko namalayan na hating-gabi na pala. Tinapos ko talaga itong sulat na ito para ipakisabay na ipadala sa iyo. Meron daw kasi uuwe ng pilipinas. Para makatipid na din. Mahal yung allowance nyo ni baby sa sahod ko, ipapadala ko na agad. Mag iingat kayo lagi dyan ah.. mahal na mahal ko kayo.. hanggang sa muli kong sulat..

Paalam..

Nag mamahal

Tatay