Pages

Tuloy po kayo!!!

Halina't basahin, sulat na sariling akin... mula sa isip na malikhain...

Tuesday, March 2, 2010

Paano nga kaya kung....


Naranasan mo na bang di makatulog sa gabi dahil iniisip mo ang iyong mga nakaraan. Nakaraang pinipilit mong limutin pero sa isipan ay nakakintal. Nag-sisisi ka sa mga nagawa, na kung maari ay gusto mong balikan at palitan ang iyong mga ginawa.

Paano nga kaya kung pwedeng mangyari ang iniisip ko, na balikan ang nakaraan at maaring baguhin. Paano ako mag sisimula? Paano kung may masaktan muli ako sa gagawin kong ito?
Paano ko masasabi na mahal na mahal ko pala sya... na diko pinahalagahan ang kanyang mga ginawa sa akin habang kasama ko pa sya.
Di ko nakita ang mga pag-aalala nya...
sa sandaling ako'y may karamdaman.................... andyan siya.
sa sandaling ako'y malungkot................................. andyan siya.
sa sandaling wala akong kasama............................. andyan siya.
sa sandaling halos mawalan ako ng pag-asa......... andyan siya.
lahat ng ito'y diko nakita habang ......................... andyan siya.

Subalit ng mawala siya....... hinahanap ko ang lahat.
Gusto ko siyang makasama muli, masuklian ang lahat ng mga ginawa nya sa akin.
Diko sasayangin ang sandali na siya ay paligayahin at mahalin.

Sana nga maaring ibalik ang nakaraan...
ikaw ano ang nais mong balikan?
ano ang nais mong gawin?
ano ang nais mong itama?

1 comment:

  1. naisip ko kung maibabalik ko ang nakaraan na nagmahal ako, sana di ko nlng gnwa ung mga sacrifices ko sa kanya, kasi mahirap maging tanga.. nagmahal ako ng maling tao.. sayang lahat. sayang.... at nagyon kung nagsisisi man ang taong minahal ko ng lubos, huli na ang lahat,. para sakin kasi pag ako nasaktan ng lubos mahirap un mawala.. kahit gusto pa nyang balikan ang mga nakaraan na gusto nyang punan ang mga pagkukulng nya.. ayaw ko na maging martir. sawa na ako sa mga pasakit.. sa nagyon, naghihintay nlng ako na ibigay ni lord ang tama at karapat'dapat sa aking pagmamahal.. "charlee"

    ReplyDelete