Halina't basahin, sulat na sariling akin... mula sa isip na malikhain...
Friday, May 14, 2010
1st automated election
Ito ang kauna-unahang pag kakataon ng ang Pilipinas ay nag karaon ng Automated Election. Marami sa atin ang nag tatanong noong una kung paano ba ang pag boto sa bagong proseso na ito. Iba't ibang kuro-kuro ang lumalabas ukol dito... may ilang nag sasabi na mas madali na daw ang pag boto daw bibilugan nalang ang hugis itlog sa tapat na kandidato na nais mong iboto. may nag sasabi naman na mas madali na daw ang dayaan sapagkat automated na o computerized. Bagamat noong una ay nag dadalawang-isip ako na bumoto dahil kailangan ko pang umuwe mag gastos ng pamasahe para bumoto lang. Pero naisip ko, ang pag boto ay isang paraan natin para ipahayag ang ating karapatan at ipahayag ang ating kalooban. Sa pag BOTO nag kakaroon tayo ng pag kakapantay-pantay, mayaman man o mahirap ay ISA lang ang pwedeng iboto. Alas otso ng umaga nag punta ko sa prisinto na aking pag bobotohan at iba sa aking inaasahan na sa ganong kaaga ay napakarami ng tao na nakapila. Nag simula na din ang aking naririnig ukol sa mga reklamo ng mga botante...nag uunahan sa pila o kaya'y nag sisingitan. Ninais ko kuhanan ng video ang ilang mga eksena noong ako'y nakapila... hangang sa pag pasok ko sa loob ng prinsinto na aking pag bobotohan. narito ang ilang pictures at videos na matuturing kong isang kayamanan. Ikaw ano ang maibabahagi mo? Kaisa ka sa kasaysayan... .
No comments:
Post a Comment