
Isa sa pinakamasayang tagpo sa isang Pamilya ay pag kain ng sama-sama. Ito marahil ang isa sa mga kinasasabikan ng bawat isa sa panahon natin ngayon.
Matagal na panahon na din na hindi kami nag kasama-sama lalo na sa hapag-kainan dahil sa aming mga hanap-buhay. Kaya't ng ako ay magkaroon ng pagkakataon na makapag bakasyon, pinilit kong mangyari ito.
Tinawagan ko ang aking mga kapatid tungkol sa pagkakaroon ng munting salo-salo sa aking pag uwe. Bago ako tuluyang umuwe sa aming tahanan, namili ako ng pagkaing aking ihahanda... nais kong maging espesyal ang aming salo-salo, kaya't bumili ako ng pang beef steak, kahit di naman talaga ako kumakain mula pa noong ako'y bata. Siyempre di mawawala ang paborito ng aking nanay na Hipon, at gaya ng isang salo-salo kailangan may dessert, kaya bumili ako ng fruit cocktail... at para mas malolong ma feel namin ang salo-salo bumili din ako ng table wine (pasosyal ang dating hehehe).
Nag dala din ng mga pagkain ang aking mga kapatid, sila kuya Marlon kasama ng kanyang asawa na si ate Cel, at anak na si Kim ay may dala na maraming tilapia, hito, porkchop, nilagang mani at maraming pang iba na diko na maalala... si ate Len naman, may dala siyang Ice Cream (PUNO).
At para maging kakaiba ang aming salo-salo dapat pati lamesa at mga gamit ay maganda din at dapat nakaayos. kaya't aking tinanong si Nanay sa mga gamit na nakatago nya. nilabas nya ang matagal na natagong mga malaking platong puti, pati mga magaganda kutsara at tinidor... gayun din ang mga mabasong malalaki.
Mag ala-sais palang ng hapon ay inumpisang ko ng ayusin ang aming pagkakainan. Nilatag ko ang mga lamesa sa teris namin. nilagyan ng puting tela, na may fresh na carnationg bulaklak. Isa-isa kong nilagay ang plato,kutsara,tinidor, baso,tasa. Nang maiayos na ang lahat ay sinimulan kong iluto ang mushroom soup. Animo'y isang restaurant ang aming kakainan ang kaibahan nga lang ay wala kaming waiter o waitress. kaya't di maiwasang mapag biruan na si nanay ang waitress.
Inumpisahan ang salo-salo sa papamagitan ng isang maikling dasal mula sa aming mahal na tatay. Masayang kumain lahat... kasabay ang mga kwentuhan, tawanan at biruan.Di malaman ng lahat kung ano ang uunahaing kainin sa sobrang dami ng aming pagkain. Tunay ngang napakasayang maranasang muli ang ganitong pagkakataon.
Habang nagkakainan, ay nag balik sa aking gunita ang ganitong pangyayari noong kami'y bata pa. Sabay-sabay kami kumain upang mag kasya ang aming ulam na isang saping tinapa kasama ang ilang pirasong kamatis. Maswerte na kami kapag nakatikim ng karne ng baboy o manok sa loob ng isang buwan. Mayroon pa ngang pag kakataon na sama-sama kaming kuma-kain sa gitna ng bukid... at ito'y madalas mangyari sa tuwing anihan. Dahil lahat kami ay kasama ni tatay upang gumapas ng palay...habang gumagapas kami ay nag luluto naman si nanay ng aming pag kain, sa silong na ginawa sa gilid ng pinitak. Bagama't bata pa kami sa ganitong trabaho ay nauunawaan namin ang aming kalagayan. Hindi kami nag reklamo kung mainit o makati ang palay sa balat, ang alam namin para sa aming pamilya ang ginagawa namin na ito. At siyempre di mawawala ang pangaral ni tatay... (paulit-ulit nya sinasabi kapag-kumakain)Aniya, Pag butihin ninyo ang inyong pag-aaral, wala tayong sariling bukid na ipapamana sa inyo. Ayaw kong makita kayo habang panahon na gumagapas ng palay... Noon gusto ko mag aral pero wala kami pampaaral, kaya't napilitan akong mag hinto. Ngayon mayroon akong sariling pamilya nais ko kayong mapagtapos lahat sakabila ng ating kahirapan.
Oopss iiyak na sila!!!! teka di nga pala ito drama....
Sige tuloy ko na kwento ko, tungkol sa masayang salo-salo. Mayroon nga pala kaming bisita ng gabing iyon. si Ninong Romy kapatid ni tatay. Nag tatanong siya kung bakit may ganun salo-salo , may ano daw ba? sabi namin wala lang, nais lang mag kasama-samang kumain.
Nang matapos ang kainan ay inumpisahan na din namin na iligpit ang mga ginamit namin. Sila kuya ay umuwe na din, at si ate. Lahat ay pawang masasaya at nag hiwa-hiwalay ng may ngiti sa mga labi...
Good night... (**,)
No comments:
Post a Comment