Pages

Tuloy po kayo!!!

Halina't basahin, sulat na sariling akin... mula sa isip na malikhain...

Sunday, September 6, 2009

SUMBAT NG ANAK

i remember my old composition about me and my father..

i don't expect that anyone have the patience to read this because it so long...

but ill tell you, you will know me more once you read this..


Sa tuwing nag iisa aking naaalala

Ang mga pangyayari sa piling ni Ama

Puro sakit ng kalooban ang laging nangunguna

At di matanggap ang pag didisiplina.


Tandang-tanda ko pa noong ako’y tatlong taon

Bagyang pagkakamali’y kapalit ay sinturon

O di kaya’y kawayang malutong

Pag di kami tumigil sa pag hagulgol.


Sa mura kong gulang ay natanim sa ‘king isipan

Ang sakit at galit na aking naranasan,

Poot sa aking pusoy nag uumapaw

Ngunit walang magawa pagkat kami’y anak lang.


Sa bawat pagtaas ng kanyang latigong kamay

Siguradong sa aking katawan ito’y lalatay

Di nya alintana kung saan tatamaan

Basta’t masunod lang ang kanyang kagustuhan.


Di kaya nya naisip na ako’y musmos lang

Na sumusuko rin ang munting katawan

Sa bawat sandaling sa puwet ay dumatal

Ang nag-aapoy sag alit aniya’y disiplina raw.


Minsan pa nga’y sumagi sa aking gunita

Na di tutularan ang kanyag ginawa,

Sa tindi ng galit halos ay maisumpa

Buti nalang nariyan ang lumikha.


Bakit kaya ganun siyang mag-parusa?

Ito’y bunga kaya ng kanyang pag-aalala

Na baka isang araw magaya sa iba

Na tumanda ng di alam ang mabuti at tama.


Marahil din kaya’y sa kanyang karanasan

Kung kaya’t sa pag didisiplina siya ay ganyan

Siya’y lumaki sa piling ng pangalawang magulang

Na di nasumpungan ang pag didisipina ng tunay na tatay.


Ngunit bakit ganun ang galit niya’y sa’min ibinunton

Kasalanan ba naming mangyari sa kanya ‘yon

Di ba’t kami’y bunga lamang ng kanyang kahapon

Na sya ang gumagawa ng bukas at ngayon.


Ako kaya’y kanyang niyakap noong ako’y bata

Bakit hinahanap ngayong tumanda,

Uhaw sa pag mamahal at pag aaruga

Ang aking namulatan sa haligi ng dampa.


Di ko rin maalala kung ako’y hinagkan nya

Kung binabantayan, lalo’t kung may sakit pa

O di kaya’y pag dulog sa pulong doon sa iskwela

Kaya kung minsan ako’y naiinggit sa iba.


Masakit man saabihin ngunit ang katotohanan

Ako’y lumaki ng poot ang namulatan

Poot na nagsisilbing bahagi ng buhay

Pilit ko mang alisin ngunit sa isipa’y nakintal.


Tatay mahal mo ba ako? Ang laging tanong ko

Tanong na laging sa isipa’y naglalaro

Dahil sa sandaling kami’y iyong pinapalo

Disiplina’y di totoo, pag mamahal ay nag lalaho.

No comments:

Post a Comment