Pages

Tuloy po kayo!!!

Halina't basahin, sulat na sariling akin... mula sa isip na malikhain...

Sunday, September 6, 2009

SULAT NI TATAY SA KANYANG MGA ANAK

this next blog, would probably reply to my poem "Sumbat ng Anak"
and i'll tell you when the first time I read this I cant stop crying...

Akin ko pang gunitain mga araw na lumipas

Na kaytagal na panahon akala ko’y walang kupas

Katulad ko’y punong mangga na kay lago sa umpisa

Ngunit araw ay darating dahon pala’y malalanta.


Batang-bata pa noon, nuong ako’y mag asawa

Sa edad kong labing-siyam nagsama na kami ni Gloria

Lima ang supling naming ipinagkaloob ng Diyos ama

Pawa silang masasaya at malulusog ng bata pa.


Ako rin ang nagturo at umakay sa paglakad

Tuwing umagay ginagawa ng matuto at mamulat

Ako rin ang nagtiyaga kung paano ang pag-sulat

Ang pag-basa ng ABAKADA sa akin pa rin nagsimula.


Wala akong pinangarap sa mahal kong mga anak

Kung di ang pag-unlad umasenso silang lahat

Kaya’t sa pag aaral lagi ko silang tinutulak

Upang karunungan sa kanila malagak.


Lumipas ang ilang taon meron na ngang nakatapos

Sa high school na pinangarap sila ay nataguyod

Ang saya sa aking mukha ay di makaila

Lalo na noong tanggapin pa Diplomang tinamasa.


Dala ng kahirapan kolehiyo ay sagabal

Sa Edukasyong mataas ito ay kailangan

Maraming salamat sa isang kaybigan

Anak kong may pangarap siya ay makapag-aral.


Tandang-tanda ko pa lumipas na taon

Tatlo sa anak ko’y lumayo ng gayon

Panganay ay nagasawa, sumunod ay nangibangbansa

At ang isa nama’y nagpapakadalubhasa.


Lungkot sa puso ko aking ikinubli

Ayoko Makita ang pagdadalamhati

Ayokong mawalay isa man sa kanila

Ngunit tadhana na ang siyang nag papasya.


Ngayon dumating na ang sumbat sa akin

Ng sila’y bata pa’t aking papaluin

Malupit daw ako sa puso tumanim

Ang puot sa akin tila nag niningning


Pati nag daan ko kanilang inungkat

Lupit ng magulang akin nga dinanas

Sa palad ni Ina ako nga’y tumanggap

Lalong higit naman sa amain kong ganap.


Kasalanan ko ban a ko’y maghigpit

Murang isipan nila’y aking tinu-tuwid

Kasalanan ko ba kung ako’y manakit

Sa murang balat na sobrang nipis.


Kasalanan ko ba ang sobrang mag mahal

Sa mga anak ko na tangi kong yaman

Ako’y nalulungkot na pagdating ng araw

Baka mga anak ko’y kalaban ng lipunan.


Ngayon nyo sabihin kung ako ay tama

Sa pag hihigpit na inyong nadama

Ngayon nyo sabihin kung ako ay mali

Sa pag-aaruga sa inyong kandili.



Tatay,

Pepito (Peng) Ordonez

No comments:

Post a Comment